INANUNSIYO ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa Marso na lamang maaaring buksan ang mga sinehan.
Ito ay kasunod ng pag-alma ng mga alkalde sa Metro Manila sa pangambang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Una nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Management for Emerging Infectious Disease ang pagbubukas ng sinehan na epektibo sana sa Pebrero 15 at sa iba pang negosyo gaya ng leisure centers, archive museum at parks.
Ganunpaman dahil sa pagtanggi ng mga alkalde sa Metro Manila na nasa general community quarantine ay sinabi ng Malakanyang na makabubuting gumawa muna ng guidelines at konsultahin ang stake holders.
Naniniwala si Roque na sa susunod na dalawang linggo ay nakapagbalangkas na ng guidelines ang local government unit para sa pagbubukas ng sinehan.
Nilinaw rin ni Roque na layunin lamang ng IATF na buksan pa ang ekonomiya, madagdagan ang may trabaho at batay sa record ay hindi ba rin mataas ang bilang ng bagong COVID-19. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.