NAKATAKDANG buksan sa susunod na linggo ang iba pang We Heal As One Centers sa Luzon bilang bahagi ng Covid-19 response ng gobyerno.
Ipinarating ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio Dizon, mayroong tatlong We Heal As One Centers ang handang buksan sa susunod na linggo.
Aniya, kasalukuyang tinatapos na lamang sa ang conversion ng Philippine Sport Arena sa Pasig City; Philippine Arena sa Bulacan gayundin ang Filinvest Tent sa Muntinlupa.
Kamakalawa lamang nang bisitahin ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang mga We Heal As One Centers sa Clark, Pampanga na handa nang tumanggap ng mga nagkaroon ng sakit na Covid-19 na may mild o walang sintomas.
Samantala, kabilang sa mga ito ay ang ASEAN Convention Center, na may 150 na kama at National Government Administrative Center, Tarlac na may 400 na kama habang inaasahan pang magdagdag para makaabot ng target na isang libo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.