PAGBUO NG BANGSAMORO HUMAN RIGHTS COMMISSION  APRUB NA

BTA

APRUBADO na ng Bangsamoro Transition Parliament sa ikatlo at huling pagbasa ang tatlong batas para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Una rito ang BTA Act No. 3 o pagbuo ng Bangsamoro Human Rights Commission na alinsunod sa isinasaad ng Section 7, Article 9 ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law.

Inaprubahan din ng Bangsamoro Transition Parliament ang BTA Act No. 5 o ang batas na naglalayong bumuo ng Bangsamoro Attorney General’s Office.

Isinasaad din sa batas ang pangunahing tungkulin, kapangyarihan, at ilalaang pondo para sa itatatag na tanggapan.

Gayundin, ang BTA No. 6 o batas para sa pagtatatag ng Bangsa­moro Socio-economic Development Planning System. DWIZ 882

Comments are closed.