PAGBUO NG DFAR UMANI NG SUPORTA

Rep Arjel Joseph Cabatbat

SUPORTADO ng mga opisyal ng ­ilang ahensiya ng pamahalaan, gayundin ng samahan ng local fish producers, ang panukalang pagtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).

Sa isinagawang technical working group (TWG) session na pinamunuan ni Magsasaka party-list  Rep. Arjel Joseph Cabatbat kahapon, lumitaw na sa pamamagitan ng DFAR ay mas magiging malawak at buo ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangalaga at pagpapayaman sa water at marine resources ng bansa.

Ayon kay Diane Gail Maharjan, assistant director ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa kasalukuyan ay may iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na saklaw ang panga­ngasiwa sa yamang-dagat, subalit sa halip na makabuti ay nagiging hadlang ito para sa pagpapaunlad ng local fishery sector.

“For instance, the Department of Environment and Natural Resources is in charge of protection, while BFAR is tasked with conservation and utilization,”  sabi ng NEDA official.

Dagdag pa niya, ang fishing industry, kasama ang kabuuan ng sektor ng agrikultura, ay hindi lubos na nakapag-aambag sa paglago ng ekonomiya ng Filipinas.

Sa panig ni Cirus Jacela ng  BFAR, sinabi niyang sumasang-ayon siya sa posisyon ng NEDA at inamin din niya na hindi nabibigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang fishery sector.

Giit naman ni Philippine Alliance of Fish Producer (PAFP) president Joseph Borromeo, dapat nang magpatupad ng ‘institutional reforms’ sa kanilang sektor.

“We also need additional funding. Our industry is undercapitalized,” dagdag pa niya kung saan ang kawalan umano ng suporta ng pamahalaan ang isa sa dahilan sa pagbaba ng kanilang produksiyon. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.