PAGBUTIHIN ANG SERBISYO SA MAMAMAYANG PILIPINO

perapera
By Joseph Araneta Gamboa

SERVICE Excellence” ang mantra ng karamihan sa mga institusyon sa ­pampubliko at pribadong sektor ng ating lipunan.

Kamakailan lang ay inilunsad ng Development Academy of the Philippines (DAP) ang introductory training course tungkol sa “Citizen Experience Mapping in the Public Sector” na ginanap sa pangangasiwa ng DAP Productivity and Development Center (PDC).

Ang mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay sumailalim sa tatlong araw na kurso na isinagawa ni Asian Institute of Management professor Jose Miranda na isang eksperto sa strategy, marketing, at customer service. Ang training program ay pinangasiwaan nina OIC-Director Angela Vargas at Training Mana­ger Amor Avendaño, gayundin ng mga trainor na sina Maan Mayo at Meryl Vocalos mula sa DAP Advocacy and Institutional Development Office sa ilalim ng PDC Vice President Arnel Abanto.

Kasama rin sa intro course ang mga sumusunod na paksa: The Experience Economy; Citizen and Business Satisfaction Drivers; Creating Citizen Personas; Strategies to Deliver Delightful Experiences; at Visioning para sa Public Sector Citizen Service Brand.

Ang kurikulum ng pagsasanay ay naglalayong tulungan ang mga frontliner ng gobyerno, superbisor, auditor, back-end support, human resources personnel, at quality management teams sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo, pag-streamline ng mga proseso, at pagtataguyod ng citizen-centric approach para sa pinahusay na serbisyo publiko.

Samantala, sa pribadong sektor, pinalakas ng Citystate Sa­vings Bank (CSBank) ang branch transformation program nito para mapabuti ang network at facilities nito para mapahusay ang customer experience. Nagsisilbing thrift bank arm ng ALC Group of Companies, sinimulan ng CSBank ang transformation program noong 2020 sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga improvement sa mga sistema at proseso nito – kaya binibigyang-daan ang bangko na makapaghatid ng mas mahusay na mga serbisyo.

Bilang bahagi ng programa ng pagbabago ng CSBank, binuksan nito kamakailan ang Katipunan Branch nito sa isang bagong lokasyon sa Ground Floor ng SMRC Building sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Loyola Heights, Quezon City. Ang CSBank Katipunan ay nagsisilbi sa mga retail store, business establishments, university students, at mga residente sa lugar mula nang magbukas ito sa dating site nito noong 2007.

Dumalo sa pagbubukas ng sa­ngay ang mga opisyal ng CSBank sa pangunguna nina President Jaime Valentin Araneta, Operations Group Head Haydee Cajilog, East Cluster Head Gilda Alunan, Integrated Marketing Communications Consultant Eric Montelibano, engineers Nuvin Gonzales at Jo Ablan ng General Services Department, at Katipunan Branch Business Manager Jedd Kirk Fano.

Bukod sa branch improvement program nito, patuloy na ginagawa ng CSBank ang digital banking platform nito na ilulunsad sa ilalim ng pag-apruba ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang iba pang mga bagong development ay ang pagbubukas ng apat na karagdagang Branch Lite Units noong 2023; ang pagsasama ng Teacher’s Loan, Auto Loan, at ang unang pet savings account ng bansa sa mga alok ng produkto nito; at ang pakikipag-ugnayan ng isang third party provider para sa cash management services nito upang makapag-concentrate sa panguna­hing negosyo nito.

Mula nang buksan ng CSBank ang unang sangay nito noong 1997, lumago ito sa 34 na sangay sa mga strategic location sa buong bansa. Ang paglipat sa bagong lokasyon ng Katipunan Branch nito ay nagpapatibay sa pangako ng CSBank sa mga customer nito at sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa katunayan, ito ay isang magandang panahon upang lumago.

Ang may-akda na si ­Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay ­kasalukayang Director at Chief ­Finance Officer ng Asian Center for Legal Excellence, isang ­accredited provider ng Supreme Court para sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) courses ng mga abogadong Pilipino. Sumisilbi din si JAG bilang Vice Chairman ng Ethics Committee sa Financial ­Executives Institute of the ­Philippines (FINEX).

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror.