TAHASANG sinabi ni Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro panahon na para buwagin ang lahat ng Private Armed Groups at papanagutin ang mga ito sa kanilang mga nilabag na kasalanan maging ang kanilang benefactors.
Ang pahayag ng kalihim kasunod ng pagpapahayag ng kanyang buong buong suporta sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAG), ayon kay DND Public Affair Service Director USEC Arsenio Andolong.
Ayon kay Director Andolong mahigpit na pinatutukan ngayon ni Sec. Teodoro Jr ang tuluyan pag bubuwag ng mga pribadong armadong grupo sa buong Pilipinas.
Ibinaba ng kalihim ang kanyang kautusan kasabay ng pangakong pagsuporta sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups at sa mga ahensiya na nakapaloob sa isinagawang 13th Oversight Committee Meeting sa Western Mindanao Command, sa Camp Navarro.
Ayon sa kalihim, kailangang matutukan ang mga armadong grupo sa bansa na bahagi ng pangunahing rason ng mga kaguluhan sa bansa.
Maliban sa mga pribadong armadong grupo, pinapatutukan din ng kalihim ang mga grupong ilegal na gumagawa ng mga baril sa bansa.
Ani Teodoro na tumatayo rin Vice chairperson ng nasabing task Force, nakahanda rin ang DND na ibigay ang suporta sa kampanya ng National Task Force para sa pagbuwag sa mga naturang grupo.
Patuloy ding hinihikayat ng kalihim ang publiko na ireport sa mga awtoridad ang mga nakikita o namomonitor na grupo, upang magawan ng kaukulang aksyon.
“The DND would also like to converge with each and every one of you, not only to go after armed groups, but the manufacture of illegal firearms as well, because we have to hit the demand source and the supply source,” dagdag pa ni Teodoro.
VERLIN RUIZ