PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang ganap ng maisabatas ang panukalang magbubuwag sa “Road Board.”
Gayunpaman, kung sakaling hindi ito maaksiyunan ng Pangulo ay awtomatikong magiging ganap pa rin itong batas.
Napag-alaman mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na natanggap na ng Malakanyang ang nasabing panukalang batas.
Sinigurado naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na malalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas dahil siya mismo ang nag-utos nito.
Nabatid na umaabot sa P12 bilyon ang nakokolekta ng “road board” mula sa road user’s tax taon-taon.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na nais niyang buwagin ang nasabing ahensya upang hindi magamit ang nakokolektang pondo sa korupsiyon.
Comments are closed.