PAGCOR MAGBIBIGAY NA ULIT NG TULONG

PAGCOR

MULING tatanggap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ng mga aplikasyon para sa medical financial assistance simula ngayon, Nobyembre 18.

Ayon sa inilabas na anunsiyo ng ahensiya, hihingi sila ng gabay sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mas may karanasan sa paghawak at pagbibigay ng tulong pinansiyal.

Anila, tanging mga aplikante na may guarantee letter mula sa PCSO ang kanilang aasistehan.

Samantala, handa naman magbigay ng rekomendasyon ang charity agency kung may patunay ang aplikasyong isusumite sa kanila.

Magugunitang ina­resto ng mga awtoridad ang isang mag asawa matapos magsumite ng mga pekeng dokumento para makakuha ng tulong sa Pagcor. DWIZ882