(Pagdagsa ng commuters inaasahan) LTFRB ALERTO SA SEMANA SANTA

NAKAALERTO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa gitna ng inaasahang pagtaas ng bilang ng mga commuter sa Holy Week at sa summer.

Sa ilalim ng  “Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022” ng Department of Transportation (DOTr), ang LTFRB ay may mandatong tiyakin ang seguridad ng mga pasahero, gayundin ang pagsunod ng bus terminals sa health protocols.

Magsasagawa rin ang LTFRB ng random inspection sa mga bus upang matiyak ang kanilang roadworthiness at ang kaligtasan ng mga commuter.

Maglalagay rin ang ahensiya ng “Malasakit Help Desks” sa integrated terminals at sa mga lugar malapit sa private terminals para magbigay ng impormasyon sa mga pasahero.

Ayon sa LTFRB, ang mga commuter na patungong lalawigan ay maaaring magtungo sa mga sumusunod na terminals sa Metro Manila: Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT), North Luzon Expressway Terminal (NLET), at Araneta Center Terminal.