PAGDAGSA NG FOREIGN WORKERS PINATUTUGUNAN

Rep Carlos Uybaretta

HINILING ni 1-CARE Partylist Rep. Carlos Uybaretta sa Kamara na gawing prayoridad sa pagbabalik ng sesyon ang House Bill 7939 o ang panukala na layong tugunan ang problema sa pagdagsa ng Chinese  workers sa bansa.

Ayon kay Uybarreta, ito ang nakikita niyang solusyon sa pagdami ng foreign workers sa Fi­lipinas na walang proper immigration at Labor Depart-ment clearances.

Paliwanag ng kongresista, kailangan nang amiyendahan ang 1940 Commonwealth Act 613 dahil wala itong itinatakdang sub-categories sa issuance ng visas.

Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng visa category sa non-immigrants kabilang na ang G-visa para sa prearranged employment, A-1 visa sa business visitors, D-1 visa sa treaty traders at D-2 visa sa treaty investors.

Lilikha rin ng Commission on Immigration na siyang magdedesisyon sa deportation cases, immigration status, at citizenship applications.

Kung mamadaliin ng dalawang Kapulungan ang pag-apruba sa panukala ay maaaring maisumite agad ito sa Office of the President at malagdaan bago mag-adjourn ang 17th Congress sa Hunyo.      CONDE BATAC

Comments are closed.