PAGDAKIP KAY OKADA TULOY NA TULOY

OKADA-2

WALANG makapipigil sa pagdakip kay Japanese gaming tycoon Kazuo Okada at associate nito na si Takahiro Usui matapos pagtibayin ng Parañaque trial court ang warrant of arrest laban sa kanila.

Sa order na may petsang May 6, ibinasura ni Judge Rolando G. How ng  Parañaque regional trial court Branch 257 ang motion to quash na isinumite nina  Okada at Usui upang makaligtas sa pag-aresto kaugnay sa kasong pag­lustay ng 3.1 million dollar na pondo ng Okada Manila Resort Hotel.

Sa paniwalang salat sa merito ang naturang petisyon, sinabi ng korte na hind ito kumbinsido na “there is clear absence of proba-ble cause for the issuance of warrant of arrest.” With the denial, the arrest warrant against the two remains valid and in effect.”

Disyembre ng nakalipas na taon nang kasuhan ng prosecutor ng Department of Justice (DOJ)  sina  Okada at Usui  ng three counts of estafa dahil na rin sa reklamo na isinampa ng Tiger Resort Leisure and Entertainment, Inc. (TRLEI), ang owner ng Okada Manila, ang pinakamagarang casino-hotel sa Filipinas.

Inireklamo ng ‘misappropriation of funds’ ang dalawa  noong chairman and chief executive officer (CEO) pa ng TRLEI si Oka-da habang si Usui  naman ang chief operating officer ng nasabing casino hotel. Sina Okada at Usui ay kapwa sinibak sa TRLEI noong Hunyo 2017.

Sa nasabing indictment,  nadiskubre ng DOJ na nakipagsabwatan si Pachinko King Okada kay Usui upang magkamal ng $3,158,835 sa pamamagitan ng salaries and consultancy fees kahit walang approval mula sa TRLEI Board. Tumanggi ang mga aku-sado na ibalik sa TRLEI ang naturang halaga.

Sa pagsampa ng kaso noong Enero, nakitaan ito ng korte ng probable cause at inis­yuhan ng warrant of arrest ang dalawang da-ting opisyal ng TRLEI. Gayunman, kinuwestiyon ng mga ito ang order of arrest at iginiit na walang basehan ang pagpapalabas ng warrant.

Sa pagbasura ng mosyon, sinabi ng korte na “There was no Board Resolution which authorized Usui to determine the salary of Okada. There was also no Board Resolution which authorized Usui to pay Okada a consultancy fee. Those powers to determine the salary of Okada and to pay Okada a consultancy fee are not implied in his functions as COO.”

“…Being just a mere subordinate, Usui had no power to arrogate to himself the power to fix and determine the salary and con-sultancy fee of his boss. The power to decide on the renumeration of Okada who held the highest position as CEO of TRLEI rests in the hand of the Board of Directors,” dagdag pa ng korte.

Kasalukuyang pinaghahanap sina Okada at Usui at pinaniniwalaang nasa labas ng Filipinas. Sa parehong desisyon, isinantabi ng korte ang resolusyon ng mosyon ng prosecution  para sa hold-departure order  hangga’t hindi napapatunayan na nasa Filipinas ang dalawa.

Ang desisyon ng  korte  ay ang pinakahuling kamalasan na sinapit ng gaming mogul sa kabila ng kanyang hangad na mabawi ang pamamahala ng Okada Manila.

Noong  Nobyembre  2018 ay ibinasura rin ng isa pang Parañaque court ang intra-corporate case na isinampa ni Okada upang makaupo siya muli sa TRLEI board.

Inilabas naman ng Tokyo District Court noong Enero  25 ang desisyon na nagbigay katapusan sa plano nito na muling makuha ang pamamahala sa Okada Holdings Limited (OHL) na nagmamay-ari ng 67.9 porsiyento ng Universal Entertainment  Corporation (UEC). Ang UEC ay isang Japanese publicly-listed company at parent company ng TRLEI.

At nitong nakaraang buwan lamang ay ibinasura naman ng Las Piñas Prosecutor’s Office ang perjury case na isinampa ng personal na kompanya ni Okada na Aruze Manufacturing Philippines laban sa TRLEI officer  na si Dindo Espeleta kaugnay ng isa pang kaso na isinampa ng TRLEI laban kay Okada at Aruze.

Comments are closed.