PAGDALAW SA PRESO SA CAMP BAGONG DIWA BAWAL MUNA

Camp bagong Diwa

TAGUIG CITY – BUNSOD ng ipinatupad kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na lockdwon partikular sa Camp Bagong Diwa, hindi na muna papayagan ang pagbisita ang mga preso.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng security measures na paiiralin ng NCRPO para sa promulgation ng Ampa­tuan massacre kung saan 32 journalists kabilang sa 58 na mga biktima na nasawi sa karumal-dumal na patayan.

Nasa 197 mga akusado ang hahatulan nga­yon, Disyembre 19, hinggil sa naturang malaking krimen.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac nasa full alert na ang NCRPO para matiyak ang seguridad na dadalo sa promulgation.

Ang Quezon City Police District (QCPD) ang magbibigay seguridad kay Judge Jocelyn Solis Reyes habang ang NBI ang magbibigay seguridad sa mga prosecutor.

Pahayag ni Banac, nakalatag na ang security measures ng NCRPO sa pamumuno ni Brig. Gen. Debold Sinas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

2 thoughts on “PAGDALAW SA PRESO SA CAMP BAGONG DIWA BAWAL MUNA”

Comments are closed.