PAGDALO NI PBBM SA APEC MALAKI ANG MAITUTULONG SA PH ECONOMY

NANINIWALA si Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody “Odie” Tarriela na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos para dumalo sa taunang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

“The economic benefits our country could derive from the President’s APEC meetings and bilateral discussions are enormous. They could help us sustain our economic growth in the days ahead,” sabi ni Tarriela.

Ayon sa mambabatas, karamihan sa pinakamalalaking export at import partners ng Pilipinas ay miyembro ng APEC.

“Our economy grew by 5.9 percent in the third quarter of this year. We hope to do better in the succeeding quarters with investments and financial and economic assistance from our APEC friends and allies,” pagbibigay-diin ni Tarriela.

Inaasahang kasama sa mga tatalakayin ng Punong Ehekutibo sa naturang pulong ang mga isyung pang-ekonomiya at seguridad kasama ang 21 miyembro ng APEC, gayundin ang ang Estados Unidos at iba pang kaalyado gaya ng Japan, Australia, Canada, South Korea, at New Zealand.

Ang ika-30 APEC Leaders’ Summit ay gaganapin sa San Francisco, California mula Nobyembre 15 hanggang 17. Ang Estados Unidos ang host ng pagtitipon ngayong taon.

Samantala, sinabi ni Tarriela na maaaring samantalahin ni Presidente Marcos ang usaping pangseguridad at tensyon sa West Philippine Sea sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng United States, Canada, Australia, at Japan.

Kasunod na rin ito ng pinakahuling insidente ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa sibilyang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal.

Una nang kinondena ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang insidente na isa aniyang akto ng karahasan at hinikayat ang China na itigil na ang mga ganitong gawain.

Nanawagan din siya sa China na kilalanin ang 2016 Hague Ruling kung saan ibinabasura ang pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea kabilang ang 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

“Ayungin Shoal is clearly part of our country’s territory under international law, being just 115 miles from Palawan. It is more than 1,000 miles from the nearest Chinese island. Panatag Shoal, about 120 miles from Pangasinan and Zambales, is also ours,” sabi ni Romualdez.
ROMER R. BUTUYAN