ISINISI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa patuloy na pagdami ng sasakyan ang tumitinding bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Ito ang pahayag ni EDSA traffic czar Bong Nebrija kasabay ng pag-amin na kasing tindi na ng traffic tuwing ‘ber months’ ang nararanasan ngayon na daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Nebrija, walang bago sa mga ipinatutupad nilang polisiya dahil matagal o ‘existing’ na ang kanilang yellow lane policy.
“Wala naman po kaming bagong ginawa, ‘yung sinasabi po nilang yellow lane, matagal na po naming ginagawa ‘yan. So, siguro nanibago sila kasi sobrang dami ng volume, e. So, we haven’t reached the ‘ber’ months pero nararamdaman na natin ‘yung influx ng additional vehicles dito sa Metro Manila, ‘yan lang po ‘yon. Dahil sa totoo lang, inaayos nga namin, e, kasi ‘yung mga buses lane they’re not supposed to be on any other lanes of EDSA kasi, ano po ‘yan, nahaharangan po nila, ‘yan na po ‘yung mga pinapakita ko sa Facebook ko na if we will allow them to take third, fourth, or fifth, they will literally blocked the whole EDSA. E, ngayon, nu’ng inaayos natin, marami kasi, e, nagmamagaling,” ani Nebrija.
Habang nanindigan din si Nebrija na hindi nag-eeksperimento ang MMDA dahil dumaan sa masusing pag-aaral ang lahat ng polisiyang kanilang ipinatutupad.
Kasabay nito, pinabulaanan ni Nebrija ang mga batikos na mas pinapaboran ng MMDA ang kapakanan ng private vehicles.
Aniya, sa katunayan ay ginagawa ng MMDA ang lahat upang tuluyan nang masolusyunan ang bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Samantala, nanawagan si Nebrija sa mga bumabatikos sa kanila na makipagtulungan na lamang upang maayos na ang naturang problema.
“Have been there for the longest period of time, it has been decades. Hindi naman po nagbago ang EDSA, nagbago po ba? Lumuwag ba? Hindi na-man po, pero every month, halos 10,000 nadadagdag na bagong sasakyan. This is very alarming, if there is anything good that happened in the past two weeks is that, nabuksan ‘yung mga mata natin, nabuksan ‘yung mata ng mga kababayan natin, naging concern tayo, nabuksan ‘yung pagdinig sa Sena-do. I just hope that there is something good that will come out. ‘Yung mga polisiya namin it has been there, kung responsive ba ‘yan, well I do not know, kasi in a sense na we’re coming up with new policy of volume reduction pero hindi po natutuloy, no. Sabi ko naman, minimize your expectations with what we have right now,” ani Nebrija. DWIZ882
Comments are closed.