PAGDANGANAN KINAPOS SA PARIS

NAKAPANGHIHINAYANG ang pagtatapos ng kampanya ng Pilipinas sa Paris Olympics makaraang kapusin si Bianca Pagdanganan na maka-podium finish sa women’s golf sa Le Golf National noong Sabado.

Si Pagdanganan ay nagtala ng four-under-par 68 na naglagay sa kanya sa medal contention sa six-under 282. Isang birdie mula kay Janet Lin ng China sa hole No. 18 ang sumira sa pag-asa ni Pagdanganan para sa bronze medal playoff.

Si Lydia Ko ng New Zealand ang itinanghal na kampeon makaraang tumapos na may 71 para sa 10-under 278, nakumpleto ang kanyang koleksiyon kasunod ng silver sa 2016 Rio de Janeiro at bronze sa 2021 Tokyo.

Inangkin ni Esther Henseleit ng Germany ang silver, na may six-under 66 para sa 280.

Si Pagdanganan, 26, ay tabla sa fourth kina Hannah Green ng Australia, Amy Yang ng South Korea, at Miyu Yamashita ng Japan.

Napantayan ni Dottie Ardina ang 68 ni Pagdanganan upanh tumapos sa joint 13th kasama ang apat na iba pa sa three-under 285.

“I gave it my all out there,” pahayag ni Pagdanganan, 43rd sa Tokyo, matapos ang kumpetisyon.

“I made a couple of errors. It stings but knowing that I was able to give my 100 percent, give my everything, it’s all I can do,” pahayag niya sa post-event interview na naka-stream sa One Sports.

“Not enough to win a medal but I’m happy I improve every day,” ani Ardina.