PAGDANGANAN, PAGUNSAN, SASO ABOT-KAMAY NA ANG OLYMPIC BERTHS

golf

ABOT-KAMAY na nina Filipino golfers Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan ang puwesto sa Tokyo Olympics.

Sina Pagdanganan at Pagunsan ay kapwa nasa Top 60 Olympic Golf rankings sa kani-kanilang gender, base sa  updated list na ipinalabas kahapon. Ang 60 best golfers sa bawat gender ay makakakuha ng tiket sa Tokyo.

Si Pagdanganan, 23, ay nasa ika-42 puwesto sa Olympic Golf rankings, kung saan si newly crowned US Women’s Open champion Yuka Saso ay nasa ika-9 na puwesto.

Si Pagdanganan, gold medalist sa Asian Games at Southeast Asian Games, ay huling sumabak sa 2021 Pure Silk Championship sa Williamsburg, Virginia kung saan tumapos siya sa ika-39 puwesto overall.

Samantala, nakapasok si Pagunsan sa Top 60 sa men’s side makaraang makopo ang Mizuno Open crown noong nakaraang Mayo 30. Kasalukuyan niyang hawak ang 51st spot sa rankings.

Ito ang ikalawang professional title ni Pagunsan makaraang manalo sa 2007 Pertamina Indonesia President Invitational.

Ang Olympic debuts nina Saso at Pagdanganan ay ipopormalisa sa Hunyo 28, habang si Pagunsan ay kailangang maghintay sa Hunyo 21 kung kailan ilalabas ang listahan ng qualified golfers para sa Olympics.

Ang Tokyo Olympics golf competitions ay nakatakda sa Hulyo 29 hanggang Agosto 7 sa Kasumigaseki Country Club.

8 thoughts on “PAGDANGANAN, PAGUNSAN, SASO ABOT-KAMAY NA ANG OLYMPIC BERTHS”

Comments are closed.