PAGDAONG NG CHINESE VESSEL MAY CLEARANCE

Chinese Vessel

DAVAO – PINAWI ng Philippine Coast Guard-Davao Station ang pangambang pang-espiya o nag-trespass ang Chinese vessel na dumaong sa Davao City.

Paglilinaw ng PCG, may clearance mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdaong ng research vessel na Yuan Wang 5 sa Sasa wharf nitong lungsod.

Sinasabing dumaong lamang ito sa lungsod para sa replenishment, equipment maintenance at nakipagkita ang mga opisyal ng barko sa Chinese consulate.

Dagdag ng coast guard na hindi lamang ito ang unang beses na may dumaong na malalaking vessel sa lungsod kung saan una na ring bumisita ang mga combat ships ng Australia, Amerika at marami pang bansa.

Bukas ay nakatakda na ring bumalik patu­ngong China ang Chinese vessel.

Napag-alaman na isa lamang sa mga research vessel sa People’s Liberation Army Navy sa China ang Yuan Wang 5 na nagsisilbi bilang isang satellite at intercontinental ballistic missile tracking ship. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.