PAGDIDILIM NG 3 ARAW DAHIL SA SOLAR ECLIPSE ITINANGGI NG PAGASA

PINABULAANAN ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Admimistration (DOST-PAGASA) ang balitang ang magaganap na “total solar eclipse” sa April 8,2024 na tinaguriang “Great North American Eclipse” ay magdudulot ng tatlong araw na kadiliman.

Ayon sa PAGASA, isa lamang fake news ang kumakalat na ito sa internet lalo na ang balitang dadaan ang mundo sa Photon Belt kung saan ang milky way ay magdudulot umano ng tatlong araw na kadiliman at makakaapekto sa mga tao sa pisikal at ispiritual na aspeto.

Sa pahayag ng PAGASA, walang basehan ang teoryang ito. Wala aniyang siyensya o ahensya ang magpapatunay para suportahan ang claim na ito.

Giit ng PAGASA, ang ideya ng ipag-ikot ng mundo sa pamamagitan ng Photon Belt na nagdudulot ng anumang substantial transformations sa planeta ay hindi patunay ng anumang batas ng siyensiya.

“This idea originated within the New Age and metaphysical circles, and as such, lacks scientific evidence and is considered­ pseudoscientific by the scien­tific community,” nakasaad pa rin sa nailathalang.pahayag ng PAGASA.

“DOST-PAGASA would like to inform the general public that the news circula­ting on the internet about the Earth experiencing three days of darkness due to its passage through Photon Belts on 08 April 2024, is a hoax….Astronomers have not observed any evidence of a band of high-energy photons surrounding the Milky Way galaxy. It is said that when the Earth passes through this belt, it triggers various transformative effects, both physical and spiritual. However, there is no scientific proof to support this theory,” ayon pa sa nailathalang pahayag kamakailan ng PAGASA.

Ang pag-ikot umano ng mundo sa pamamagitan ng Photon Belt na nagdudulot ng anumang substantial transformations sa planeta ay hindi patunay ng anumang batas ng siyensiya, ayon sa PAGASA.

Bagamat kinumpirma ng PAGASA na magaganap ang total solar eclipse sa April 8, 2024, subalit hindi ito makikita sa Pilipinas.

“The totality of the solar eclipse will be visible in a narrow strip on the Pacific Ocean, passing 200 nm north of the Marquesas Islands and later in North America, beginning at the Pacific Coast, then ascending in a northeasterly direction through Mexico, the United States, and Canada, before ending in the Atlantic Ocean…..During a total eclipse, some areas in the mentioned places will experience temporary darkness caused by the moon passing in front of the sun”, ang sabi ng PAGASA.

“On April 8, 2024, the skies over North America will be graced with a total solar eclipse.A celestial event tha offers a rare glimpse into the sun’s enigmatic corona. During this time of totality.A total solar eclipse will cross North America, passing over Mexico, the United States, and Canada. A total solar eclipse happens when the Moon passes between the Sun and Earth, completely blocking the face of the Sun. The sky will darken as if it were dawn or dusk.Safety is the number one priority when viewing a total solar eclipse. Be sure you’re familiar with when you need to wear specialized eye protection designed for solar viewing by reviewing the proper safety guidelines,” ayon sa NASA Space.News.Agency.

Paalala ng NASA, maaaring mapanganib sa mata ang direktang pagtingin sa araw na hindi protektado. “At all other times, it is safe to look directly at the Sun only through special purpose solar filters, such as “eclipse glasses,” that comply with the transmittance requirements of the ISO 12312-2 international standard. Ordinary sunglasses, even very dark ones, are not safe for looking at the Sun,” ang sabi ng NASA.

Bagamat kinumpirma ng PAGASA na magaganap ang total solar eclipse sa April 8, 2024 na tinawag na Great North American Eclipse, pero hindi anya ito makikita sa Pilipinas.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia