MAGSASAGAWA ang National Telecommunications Commission (NTC) ng public hearing sa Pebrero 8 tungkol sa mandatory unlocking ng mobile phones at devices matapos ang expiration ng lock-in period ng mga subscriber.
Nag-release ang NTC ng guidelines sa pagsunod ng direktiba ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na payagan ang subscribers na mag-switch sa compatible wireless service providers.
“Under the draft MC (memorandum circular), public telecommunications entities will be required to disclose its policy on mo-bile phone and device unlocking and notify their customers if such devices are eligible for unlocking,” pahayag ng NTC sa isang panayam.
Ang “lock-in period” ay ang haba ng oras sa ilalim ng kontrata kung saan ang isang subscriber ay hindi puwedeng lumipat sa ibang serbisyo mula sa kompanya na sa nag-supply ng phone, dahil ang device na naka-“lock” ay hindi puwedeng tumanggap ng ibang SIM card mula sa kakumpetensiyang telco, ayon sa paliwanag.
Nauna nang sinabi ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr. na ang sapilitang pag-unlock ng mobile phones ay makaeengganyo sa ibang telcos na maging innovative sa serbisyo nila sa kanilang consumers.
“Subscribers who have completed such lock-in periods and have no outstanding obligations on their subscription contracts can demand to mandatorily unlock their phones and devices on convenient sites, facilities and processes that will be provided by their respective wireless service providers,” pahayag ni Rio sa isang DICT Memorandum Order No. 004 na inisyu noong Disyembre.
Ang order ay may mandato sa NTC na gumawa ng tamang regulasyon ganoon din ang magsagawa ng public consultations and hearings. PNA
Comments are closed.