PAGDINIG SA PRICE HIKE NG BILIHIN AARANGKADA NA

Mark Enverga

AARANGKADA na sa Martes, ikalawa ng Pebrero, ang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay ng pagtaas ng presyo ng karne, gulay at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon kay Committee chair Mark Enverga, susuriin ng komite ang mga datos sa kasalukuyang ‘supply and demand’ ng lahat ng agricultural goods at hahanap ng solusyon sa problema ng mga suppliers at consumers.

Matatandaang naghain ng resolusyon si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano kung saan nanawagan ito sa liderato ng Kamara na pinamumunuan ni Speaker Lord Allan Velasco na gumawa ng hakbang sa pagtaas ng presyo ng bilihin. DWIZ882

Comments are closed.