PAGDIRIWANG NG IKA-125 ARAW NG KALAYAAN MAPAYAPA-PNP

PANGKALAHATANG mapayapa ang pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan, batay sa initial assessment ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief BGen Redrico Maranan, walang naitalang untoward incident ang mga pulis na naka-deploy sa mga pinagdausan ng selebrasyon.

Naging mapayapa rin ang kilos-protesta ng mga raliyista at naipahayag ang kani-kanilang saloobin.

Samantala, hinihimok ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang lahat ng mga pulis at taumbayan na itaguyod ang diwa ng pagkakaisa bilang pagpaparangal at pagpapasalamat sa lahat ng mga bayani.

Kinilala rin ng PNP chief ang mga pulis na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod pati na rin ang mga makabagong bayani ng ating henerasyon.

Ani Acorda, ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay isa ring pagkakataon upang lalong palakasin ang pagkakaisa bilang isang bansa at isang sambayanan.
EUNICE CELARIO