Inianunsiyo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) ang pag-urong ng selebrasyon ng Solemnity of Immaculate Conception na gagawin sa Disyembre 9, Lunes, mula sa dating petsa na Disyembre 8.
Sa memorandum circular na nilagdaan ni Fr. Carmelo Arada, head ng the Archdiocesan Liturgical Commission, nakasaad na kinokonsidera ang Solemnity of Immaculate Conception bilang ‘holy day of obligation’ kung saan inaasahan ang mga mananampalatayang Katoliko na makikiisa sa mga Banal na Misa.
Ayon sa Church’s Canon Law, hinihikayat ang mga Katoliko na makiisa sa Holy Eucharistic celebration at magpahinga muna sa kani-kanilang mga trabaho at negosyo sa araw ng ‘holy day of obligation’.
RZ