MAYNILA – TIMBOG ang isang ginang na umanoy kidnapper dahil sa tangkang pagtangay sa 3-anyos na batang lalaki na anak ng ne-gosyante sa San Andres Bukid.
Hawak ngayon ng Manila Police District-Station 5 ang suspek na si Charito Fernandez, 45, may-asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Boni-facio, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa MPD ang pangingidnap dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng bahay ng complainant at ama ng bata na si Alicozaman Capal, 52, ng 1402 Dagonoy St., San Andres Bukid
Ayon kay Capal, nasa pangalawang palapag ito ng kanilang bahay nang marinig ang iyak ng kanyang anak kaya sumilip ito sa bintana at dito naki-tang hawak-hawak na ng suspek ang kanang kamay ng kanyang anak saka hinila.
Agad ito bumaba ng bahay at hinabol ang suspek hanggang sa mabawi ang kanyang anak.
Mabilis namang nakahingi ng police assistance si Kagawad Asgar Datumanong sa Dagonoy PCP na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.
Batay sa kaparehong profile ng suspek, mayroon na ring dating kaso ng pangingidnap sa mga menor na nag-viral sa social media noong Marso 2018.
Sasampahan ng kasong kidnapping ang suspek. PAUL ROLDAN