AGAW eksena ang mga pageant veterans na si dating runners-up sa Germany-based beauty pageant na Miss Intercontinental na sina Kris Tiffany Janson at Christi Lynn McGarry sa Miss Universe Philippines 2024.
Kapansin-pansin dinng lampas na sa tatlumpo na ang edad — thirty-four years old — ni Janson nang koronahan siyang Miss Universe Philippines Cebu 2024 noong Pebrero 3, habang 33-year-old na si McGarry na appointed candidate ng Taguig City.
Nanalong Miss Cebu si Janson noong Enero 2009 ay Bb. Pilipinas-Intercontinental noong 2014.
Nanalo rin siyang second runner-up sa 43rd Miss Intercontinental na idinaos sa Germany noong Disyembre 2014.
Successor ni Janson si McGarry na nagwagi ng Bb. Pilipinas-Intercontinental title noong 2015 at 1st runner-up sa Miss Intercontinental 2015 sa Germany.
Si McGarry ang kaisa-isang Pilipina na dalawang beses sumali sa Miss Intercontinental. Naging kinatawan siya ng bansa sa Miss Intercontinental 2010 kung saan siya sa Top 15 semifinalists.
Sumali rin siya sa Miss New Jersey Teen USA 2008, Mutya ng Pilipinas 2010, Top Model of the World 2010, BB.Pilipinas 2015, at ngayon, sa Miss Universe Philippines 2024.
Magandang laban ito dahil successor at predecessor ang maglalaban, not to mention, na naggagandahan din ang iba pa sa 55 Miss Universe Philippines 2024 candidates.
Ang mananalo ngayong taon ay kakatawan sa bansa sa 73rd Miss Universe na magaganap sa Mexico.
Pasok din nga pala ang dating aktres na si Bb.Pilipinas 2022 2nd runner-up Stacey Gabriel, at Iloilo beauty queen Alexie Brooks.