PAGGALAW NG PRESYO NG ASUKAL

sugar

MAGSASANIB-PU­WERSA ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-mo-monitor ng na­ging iregular na pagtaas ng presyo ng asukal sa merkado kamakailan.

“We conduct a lot of investigations, but at the end of the day, it will always redound to participation by the stakeholders,” paha-yag ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa isang panayam noong ilunsad ang Pilipinas Agila Tires, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas kamakailan.

Sinabi ni Piñol na nakipag-usap na siya kay Trade Secretary Ramon Lopez at nagkasundo sila na titingnan ang nangyayari sa merkado na nagbunsod sa pagtataas ng presyo ng asukal.

Sinabi niya na ang produkto ay labas na sa mga kamay ng mga magsasaka.

“It is now in the hands of traders and middlemen,” aniya, sabay pansin na ang imported sugar ay hindi pa naman naire-release sa merkado.

“So, Secretary Mon and I agreed that we will team up in the monitoring of prices on agri products, such as sugar,” sabi ni Piñol.

“We will base our monitoring through the Price Act,” dagdag niya.

Nauna rito, nagpahayag ng hinaing si Sugar Regulatory Administration (SRA) board member, Emilio Yulo, na ang pagtass ng retail prices ng asukal ay maaaring isa na namang dahilan para ma-justify ang panukalang liberalisasyon ng sugar imports.

Sinabi ni Yulo na ang refined sugar sa public markets at supermarkets ay ibinenbenta ngayon ng mahigit sa PHP60 bawat kilo, kahit na mababa ang mill-gate prices.

Ang pagtataas na ito, sabi niya, ay puwedeng maging paraan para kumbinsihin ang economic managers na magbukas sa local market ng imported sugar “kahit na bumabaha sa merkado ang asukal.”

Sinabi ng kanyang kasamahang SRA board member, Roland Beltran, na kahit na ang kasaluku­yang mill-gate prices sa pagitan ng PHP1,450 at PHP1,500 kada 50-kg. na sako ng asukal, ang retail rice ng refined sugar ay hindi dapat lumagpas sa PHP55 bawat kilo.

Sinabi ng dalawang SRA officers na hindi lamang ito kahiya-hiya at karumal-dumal kundi ito ay “bordering on the criminal, es-pecially when there is profiteering involved and outright manipulation of the market.”

Nangangamba sila na ang manipulasyong ito ay ‘di maglalaon na humantong sa paggamit ng mga ti-waling mga tao at mga grupo na may pang-sari­ling interes para mabigyan ng hustisya ang hindi na mapipigilang pag-import ng asukal “at the expense of our sugar farmers.”                                      PNA

Comments are closed.