NAGPALABAS ng memorandum si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na nagbabawal na gamitin ang mga issued ID at access pass ng mga kawani at opisyal ng paliparan, sa pagsundo at paghatid sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang naturang Memorandum Order ay ipinalabas ni Monreal matapos makita sa CCTV sa NAIA terminal 3 ang isang Customs official na tumulong upang mailabas ng mag-asawang negosyante ang 1.9 kilos smuggled assorted jewelries.
Ang sinasabing assorted jewelries ay nagkakahalaga ng P6 bilyon at nailabas sa tulong ng nasabing Customs official.
At ang naturang insidente ay pinaiimbestigahan ng Presidentail Anti-corruption Commission (PACC).
Kaugnay nito ay agarang ipinag-utos ni Secretary Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) kay Monreal na suspendihin ang mga ac-cess pass na may kinalaman sa iligal na aktibidades sa NAIA.
Kasama sa naturang memo, hindi pinapayagan ang mga airport ID users na pumasok, magkalat, at maghintay bagkus ay mananatili sila sa kanilang place of assignment, maliban kung mayroong pahintulot ang pamunuan ng NAIA, kasama ang written authorization galing sa head agency or his duly authorized representative.
Kasabay na ipinahinto ni Monreal ng pag-iisyu ng mga access pass o visitors passes sa nagnanais pumasok sa arrival lobby ng mga terminal maliban kung may pahintulot o authorized by the approving authorities.
Ayon pa kay Monreal ang mapatunayan na lumabag sa naturang kautusan ay maaaring maparusahan kasabay sa pagkansela ng kanyang ID o access pass upang hindi makapasok sa bakuran ng NAIA. F MORALLOS
Comments are closed.