PAGGAMIT NG AI SA IMMIGRATION, PINAG-AARALAN

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na patuloy ang pagsasaliksik ng kanilang ahensya sa paggamit ng artificial intelligence (AI) para sa kanilang operasyon.

Ito ang ibinahagi ni Tansingco sa BI heads na dumalo sa biometrics conference sa Montreal, Canada.

Sa isinagawang conference sa 18th Symposium on the International Civil Aviation Organization (ICAO) Traveller Identification Programme (TRIP) at Joint International Criminal Police Organization (INTERPOL) Biometrics forum ay sinabi ni Tansingco na nakita niya kung paano ang isang AI ay mapabuti ang immigration processing sa pamamagitan ng pagdaragdag ng layer of security.

Ayon pa sa kanya, ang isang AI technology ay maaring maka-detect ng isang impostor at mga pekeng dokumento bago pa man dumating sa immigration counters.

“Naglalakad pa lang sila, makikita na ng AI kung may suspicious documents or activities sila,” ayon kay Tansingco. AI technologies are expected to provide facial recognition and document matching features.

Pero klinaro ni Tansingco na ang AI ay hindi papalit sa mga immigration officers kundi nagpapagaan sa trabaho ng BI.

“Currently we are doing manual processing, and it takes 45 seconds per passenger,” ayon kay Tansingco. “The e-gates can decrease processing time to as low as 8 seconds,” dagdag pa nito.

Dahil sa limitadong airport space, technologies kabilang ang e-gates ay kinakailangan upang mabawasan ang oras ng pilahan.

“If you notice, immigration areas of other countries are massive, hence they are able to place more personnel or gates. Here, we have limited space, so we need these technologies to make things faster,” dagdag pa nito.

Naniniwala si Tansingco ang pagbabago sa sistema ng immigration para makapantay sa mga international counterparts. Itinutulak pa rin nito ang pag-apruba ng immigration modernization law, na nagpapabago sa 83-taon na lumang Philippine Immigration Act.
PAUL ROLDAN