PAGGAMIT NG ANTIGEN TEST APRUB SA PQUE

INAPRUBAHAN ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang paggamit ng antigen test sa lungsod para sa mas mabilis at pagsubaybay sa mga kaso ng COVID-19.

Sa antigen test ay agad na malalaman ang resulta nito kung kaya’t mas madali sa lokal na pamahalaan na maihiwalay ang may mga kasong suspect at probable na nahawahan ng naturang virus.

Bagaman hindi gaano ka-accurate ang resultang nakukuha sa antigen test kumpara sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) ay maaaring magamit ito sa pag-check sa mga may impeksyon ng pinaghihinalaang COVID-19 kaysa sa rapid antibody test.

Base sa huling datos ng City Health Office (CHO), nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 1,269 aktibong kaso ng COVID-19 kung saan ang 211 dito ay mga bagong kaso.

Sinabi pa ng alkalde, 5 sa 16 na barangay sa lungsod ay kasalukuyang minomonitor dahil sa pagkatala ng mga ito ng mataas na bilang ng naturang virus.

Ang barangay Don Bosco ang nagunguna sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may bilang na 154; nasa ikalawang pwesto ang Barangay Moonwalk na may 151; Barangay BF Homes ang pumangatlo na may 145; pumang-apat ang Barangay San Antonio na may 121 habang nasa ikalimang puwesto naman ang Barangay San Dionisio na mayroong 101 kaso ng COVID-19. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “PAGGAMIT NG ANTIGEN TEST APRUB SA PQUE”

  1. 737094 185977Hello! I would wish to supply a large thumbs up for your exceptional info you can have here about this post. Ill be coming back to your weblog internet site for further soon. 626608

  2. 379686 154306You may discover two to three new levels inside L . a . Weight loss and any 1 someone is incredibly essential. Initial stage may possibly be real melting away rrn the body. shed weight 307627

Comments are closed.