MABABAWASAN na ang pagiging dependent ng mga magsasaka sa mga mamahalin at imported petroleum-based fertilizers.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay sa sandaling masimulan na ang paggamit ng ating mga magsasaka ng natuklasang biofertilizer at maituro sa kanila ang paggamit nito asahan nang mababawasan ang problema ng fertilizer o abono sa bansa.
“We are totally dependent on petroleum-based fertilizer – now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” pahayag ng Pangulo matapos ang sectoral meeting ng Department of Agriculture at iba pang ahensiya ng pamahalaan
“Now, there will still be a mix. Hindi mawawala ‘yung urea, hindi mawawala ‘yung mga non-organic. But, we will lessen our dependence on importation when it comes to fertilizer supply,” dagdag ng Pangulo.
Sa video message na pinalabas ng Presidential Communications Office ay sinabi ng Pangulo na ang pagsusulong sa paggamit ng biofertilizer ay hindi lamang dahil sa mataas na presyo ng regular na abono kundi masiguro na may available at sapat na suplay sa merkado.
Matagal na aniyang umaasa ang Pilipinas sa non-organic at petroleum based fertilizers kaya nagsagawa ng trials ang Department of Agriculture sa biofertilizer, na maaring ma-produce sa bansa na nagbigay naman ng positibong mga resulta.
Bagamat may kamahalan ayon sa Pangulo, ang biofertilizer pero maaring maging mura ang presyo nito lalo na kung magagawa ito sa Pilipinas.
“Kayang-kaya daw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan (We can easily produce that here in the Philippines). And furthermore, there are many technologies from UPLB (University of the Philippines – Los Baños), from the other SUCs (state universities and colleges), the agricultural colleges. Marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer (They have conducted research studies and developed technologies for biofertilizer),” dagdag pa ni Pangulong Marcos.
Subalit nilinaw ng Pangulo na maaari pa rin namang gumamit ang mga magsasaka ng non-organic at petroleum-based fertilizers, lalo na ang urea.
“Now, there will still be a mix. Hindi mawawala ‘yung urea, hindi mawawala ‘yung mga non-organic (Urea and non-organic fertilizers will still be used). But we will lessen our dependence on importation when it comes to fertilizer supply,” he said.
Sa state visit ng Pangulo sa China noong nakaraang Enero ay may ilang business agreements sa Chinese producers para maibaba ang presyo ng abono.
Dalawang Chinese fertilizer manufacturing companies ang lumagda sa cooperation agreement sa Philippine International Trading Corp. (PITC) para matiyak na mayroong sapat at abot kayang presyo ng abono para sa ating mga magsasaka. EVELYN QUIROZ