RIZAL- TUTOL ang pamahalaang lokal ng Cainta sa muling paggamit ng Dengvaxia vaccine laban sa lumalalang kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Mayor Atty. Ellen Nieto ng Cainta, Rizal na hindi umano pabor na iturok sa mga batang mag-aaral ang Dengvaxia vaccine.
Aniya, wala pang expertong doktor na nagsasabing ligtas ng gamitin ang naturang bakuna sa mga bata.
Sinabi nito, sakaling magpahayag ang DOH kaugnay ng muling pagbabakuna ng Dengvaxia ay ang mga magulang ng mga bata na siyang magpapasya kung ang kanilang anak ay patuturukan o hindi.
Sa ngayon, bagaman mababa ang kaso ng Dengue sa kanilang bayan may mga paraan na ginagawa ang pamahalaang lokal upang mapigilan at mapuksa ang mga lamok na may dalang virus.
Kabilang dito, ang fogging operation na isinasagawa ng local health department at iba pang mga hakbangin. ELMA MORALES