NANAWAGAN si Senate Committee on Health chairman Christopher Bong Go sa pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang paggamit ng face mask.
Paliwanag ni Go, base sa mga pag-aaral ng mga eksperto ay malaki ang nababawas sa peligro ng pagkakahawa ng COVID-19 ang pagsusuot ng face mask.
Kasabay nito, kinumpirma ng senador na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung kaya ng pamahalaan na mabigyan ng libreng face mask sa mga mahihirap.
Ayon kay Go, dapat gamitin ng pamahalaan ang mga available na resources nito para makapagbigay ng libreng suplay ng face mask partikular sa mga mahihirap upang maiiwas ang mga ito sa pagkakahawa ng sakit.
Kinumpirma rin ng senador na isusulong din niya ito sa pagbubukas ng sesyon para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mahihirap mula sa COVID-19 pandemic. VICKY CERVALES
Comments are closed.