HINDI pa rin inirerekomenda ng World Health Organization ang sapilitang pagsusuot muli ng face shield sa kabila ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Nilinaw ni WHO Country Representative, Dr. Rabindra Abeyasinghe na ang COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng close contact sa taong mayroon nito at hindi sa pamamagitan ng hangin.
Binigyang-diin naman ni Abeyasinghe ang kahalagahan ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at hand hygiene.
Dapat din aniyang matiyak na nasusunod ang minimal public health measures at hindi nagkukumpulan ang mga tao sa kulob na lugar.
Aminado ang WHO official na pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang mga katangian ng Omicron na nangangahulugang pinaka-epektibo pa ring paraan sa ngayon upang makaiwas sa COVID-19 ay ang magpa-bakuna. DWIZ882