PAGGAMIT NG HYDROXYCHLOROQUINE KINUMPIRMANG IPINATIGIL NG WHO

HYDROXYCHLOROQUINE 

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na pinatigil na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Hydroxychloroquine sa mga pasyenteng may coronavirus disease (CO­VID-19).

Ayon sa DOH, ang naturang gamot  ay para lamang sa mga pasyenteng may malaria.

Tinanggap kama­kailan ng WHO ang rekomendasyon mula sa Solidarity Trial’s International Steering Committee  na itigil ang paggamit ng hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir arms.

Ang Solidarity Trial ay itinatag ng WHO upang masuri ang mga epektibong  paggagamot  sa mga pasyenteng may COVID-19.

Kasabay nito ay itinanggi ng DOH ang kumakalat na ulat hinggil sa paggamit ng  aerial disinfection na mapanganib sa kalusugan ng tao. AIMEE ANOC

Comments are closed.