PAGGAMIT NG LTMS NG LTO MAKATUTULONG SA MALAKING SAVINGS NG MOTORING PUBLIC

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada! As always, magandang buhay ang bati ng pitak na ito sa lahat ng nagtitiwala sa Patnubay ng Drayer na  halos isang dekada na ninyong sinusubaybayan sa pahayagang ito, PILIPINO Mirror. Sana po, ligtas kayong lahat sa masamang birong dulot ng coronavirus pandemic. Ingat po kayo, feliz ano nuevo, God bless sa lahat ng mga kasalamin. Nitong mga huling buwan ng 2020, inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na ang motoring public ay makatitipid nang halos P4.6 billion sa butaw at gastos kapag gumamit sila ng Land Transportation Management System o LTMS, ayon sa isinagawang pag-aaral ng Dermalog, ang IT designer ng transport agency,  ang bagong interactive customer website.

Ang bansang Alemanya ang may kinalaman sa Dermalog, isang multi-billion dollar information technology company sa pagpapaunlad ng online application LTMS na ngayon ay ginagamit ng LTO  sa pagseserbisyo sa mga driver, motor vehicle owner at student driver applicant. Ayon sa LTO, ang LTMS ay isang online portal ng LTO na nagpapahintulot sa mga motorista na gustong mag-aplay para kumuha ng driver’s license, schedule ng kanilang renewals, pagrerehistro ng kanilang sasakyan, pagtatakda ng araw ng kanilang motor vechicle inspection at pagkonekta sa mga driving school at iba pa.

Ang naturang bagong sistema na sinimulan sa maagang panahon ng nakaraang taon ay nagbibigay kaluwagan sa mga doctor at driving school na maging accredited sa naturang sistema upang ang mga medical check-up at mga kailangang dokumento upang makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho ay magagawang maisumite ng mga doktor  at mga driving school nang tuwiran sa pamamagitan ng online transaction. Ayon sa LTO, ang ganitong bagong paraan ay makababawas sa gastos at mabilis at walang sagabal sa pama-magitan ng LTO accredited doctor kung gagamitin sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho. Ipinaliwanag ng LTO na pinahihintulutan ng LTMS ang mga customer ng LTO na magtakda ng araw ng kanilang pagdalaw sa LTO office samantalang binibigyan sila ng malayang pagkakataon na mag-fill up ng mga kailangang papeles at the comfort of their home or offices. Sa ganitong paraan, paliwanag ni Til Dungkel, project director ng Dermalog, ang motoring public ay makatitipid ng panahon at pagkaabala sa  kanilang pagkuha ng lisensiya at iba pang pangkaluwagang serbisyo ng LTO.

MULTA SA PAGLABAG SA BATAS TRAPIKO MAAARING BAYARAN SA PAMAMAGITAN NG LTMS

Ayon sa LTO, pinahihintulutan din sa ilalim ng LTMS ang mga drayber na gamitin ito online sa pagbabayad ng kanilang mga obligasyon tulad ng traffic fines and application fees. Ito, ayon sa LTO, ay makababawas sa human factor transaction na kung hindi man tuluyang  masugpo ang korupsiyon ay makababawas naman nang malaki tulad sa karaniwang nagaganap umano sa tuwirang pakikipagtransaksiyon ng motoring public sa tanggapan ng LTO. Nilinaw rin ng LTO sa motoring public na inaalis ng LTM system ang mga ‘di kanais-nais na pagtungo sa LTO office, bagay na nakababawas nang malaki sa gugol sa mga motoring individual sa kanilang pakikipagtransaksiyon sa transport agency.

PARAAN NG MAAYOS NA PAGMAMANEHO SA HIGHWAY

May magandang payo ang LTO sa ating mga dati at baguhang motorista tungkol sa maayos at ligtas na pagmamaneho sa highway. Ang highway, mga kapasada, ang pinakamataas na klaseng pampublikong daan na inilaan ng pamahalaan para sa ligtas at episyenteng sirkulasyon ng mga sasakayan sa speed limit. Ayon sa LTO, bunga ng mga karaniwang pagkakamali na nagaganap sa mga highway sa buong bansa, ang karaniwang end result ay nalalagay sa panganib ang mga matitinong  drayber at masunurin sa batas trapiko.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGMAMANEHO SA HIGHWAY

Sa mga highway at iba pang mga lansangang inilaan bilang eksklusibo para sa motor traffic ay hindi dapat gumagalaw ang pedestrians, horse driven vehicles, mga bisikleta at mga hayop o anumang uri ng sasakyan ay maaaring lumikha ng isang bilis ng mas malaki kaysa 80 kilometer per hour, dahil mapanganib ang kanilang mga sarili at iba pang mga gumagamit ng lansangan.

Kapag tumatahak sa highway at nagkaroon ng buhol ng trapiko sa ano mang kadahilanan, kailangang gumamit ng wastong distansiya sa sinusundan upang ang kasunod ay magkaroon ng pagkakataong makapag-adjust ng kanyang distansiya upang maiwasaan ang anumang ‘di inaasahan. Sa highway, hindi maaaring ihinto ng drayber o magparada ng motor na sasakyan, maliban sa mga lugar sa labas ng daanan ng mga sasakyan na espesyal nakaayos at minarkanan ng dilaw na tape at ito lamang ang ginawa sa mga kaso kung saan ito ay talagang kinakailangan .

Mahigpit na ipinagbabawal sa highway ang ‘U’ na buksan o ilipat ang sasakyan pabalik, maliban sa mga lugar sa labas ng daanan ng mga sasakyan na may espesyal na nakalagay na  yellow tape.  Ayon sa LTO, sa highway, ang mga drayber ay hindi dapat lumagpas ang sasakyan mula sa tape to tape ng pagmamanehong slalom. Ang nabanggit na pahayag ng LTO tungkol sa paggamit ng highway ay isang malaking food for thought para sa ating mga drayber  lalo na kung ating gugunitain ang turo at aral ng defensive driving na malimit nating talakayin sa pitak na ito. Para sa ligtas na pagmamaneho, unawain ang aral ng tinuran pangkaunlaran ng isipan ng mga kapasada para ligtas tayo sa panganib.

MGA DAHILAN NG PAGKAKAROON NG  BRAKE LOOSE

Sa pakikipanayam sa isang service mechanic ng isang gas station sa kahabaan ng Sucat Road sa Parañaque City, para maiwasan ang dahilang “pagkawala ng preno” (brake loose), sakaling ito nga ang tunay na dahilan ng traffic accident, narito ang ilan sa mga kailangang suriin nang makatiyak na hindi pumalya ang brake ng minamanehong sasakyan.

Walang Brake Fluid

Ayon sa source, for most typical hydraulic brake system, none or not enough fluids ay katumbas ng walang preno.Ang air brake ay hindi naman dapat matalakay na dahilan sapagkat ito ay malayong ihambing sa prenong ginagamitan ng brake fluid.Ang air brakes ay ginagagamitan ng air pressure samantalang ang brake na ginagamitan ng brake fluids ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na checkups at inspection ng brake system.

Ipinaliwanag ng source na tulad ng lahat ng fluids, ang fluid brakes ay may boiling temperature, at ang karamihan sa mga sasakyan under typical urgent or highway driving conditions will hardly ever reach that point.

Idinagrag pa nitong isa sa mga sitwasyon na maituturing kung bakit ang fluid ay nag-iinit ay tulad ng malimit na acceleration and decelaration. Ipinaliwanag pa ng soure na sa tuwing magpepreno, ang brake rotors, brake drums and pads/shoes ay nag-iinit o kumuikulo. Sa sandalling kumulo ang fluid, ito ay katumbas ng mawawalan ng preno gaano man kalimit na tapakan mo ang brake pedal. makabuluhang pahayag ng source mechanic.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.



HAPPY MOTORING!  PAALAALA, HUWAG SUSUWAYIN ANG PROTOCOLS SA CORONAVIRUS PANDEMIC  UPANG MAIWASAN ANG PAGKAHAWA SA NAKAMAMATAY NA SAKIT.

Comments are closed.