TINIYAK ng Department of Science and Technology (DOST) na walang side effect o dulot sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient ang melatonin na isang sleep-regulating hormone.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ligtas at available ang naturang gamot sa buong mundo.
Dagdag pa nito, sinimulan na ng ibang mga bansa ang paggamit sa melatonin bilang posibleng lunas sa mga COVID patient.
Kasunod nito, magsasagawa ang ilang eksperto mula sa Manila Doctor’s Hospital ng clinical trial hinggil sa bisa ng naturang gamot.
Samantala, siniguro naman nito na naglaan na ang ahensiya ng higit P9-milyong budget para sa isasagawang clinical trials ng melatonin. DWIZ882
Comments are closed.