PAGGAMIT NG SINGLE USE PLASTIC IWASAN-PANELO

SINGLE USE PLASTIC

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na maging makakalikasan at iwasan ang paggamit ng mga single use plastic na isa sa pangunah-ing problema ng bansa.

Panawagan ito ng Malakanyang sa publiko sa paggunita ng Earth Hour na ginanap kagabi na kung saan ay kabilang ang Filipinas at iba pang bansa sa buong mundo sa pagpatay ng mga ilaw ng isang oras upang ipakita ang pakikiisa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Ani Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang tinututukan nga­yon ng Earth Hour ay ang pagbabawal sa paggamit sa mga single use plastic na isa sa pinakamalaking problema ng buong mundo hindi lamang ng Filipinas.

Tinukoy ni Panelo na base sa report ng United Nations, isa ang Filipinas sa top 5 na bansa na pinakamaraming plastic wastes na naitatapon sa kara-gatan.

Dahil dito, hinikayat ni Panelo ang publiko na kung maaari ay iwasan na ang paggamit ng mga single use plastic at maging mulat sa negatibong epekto nito sa kalikasan.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.