PAGGAMIT NG SMARTPHONE AT SOCIAL MEDIA IKINATUWA NG MGA SENIOR MOM

MOMS

Isa ang senior mom na si Lilia Cos mula sa Manila ang natuwa nang matutong gumamit ng smartphone at social media. Ayon pa kay Lilia, sa unang pagkakataon ay nawili na siya sa Facebook at hiniling sa mga anak at apo na turuan pa siya. Isa si Lilia sa sumali sa Smart Millenniors session sa Brgy 672 sa Paco, Manila.

Paglalaro sa salitang millennials ang millenniors. Ang goal ng programa ay maturuan ang mga nakatatanda sa paggamit ng teknolohiya, lalo na ang smartphones, mobile data at social media.

Sa ginawang dalawang session, iti­nuro sa mga ito ang basic na paggamit ng smartphones at mobile data. Nag-assist naman sa kanila sa pag-set up ng Facebook accounts, pag-u-upload ng selfie, pag-create ng group chats sa Messenger at paghahanap ng paboritong shows at videos sa YouTube ang mga senior high school mula sa Adamson University.

Ayon pa kay Nanay Lilia, malaking tulong sa kanya ang paggamit ng Messenger dahil nakakausap na raw niya ang mga miyembro ng kanyang pamilya na nasa abroad at mga kaibigan sa Laguna at Cavite. “Just last night, I was up late because I was talking to my siblings in Japan and Germany. It was so fun—no matter where they are, as long as we are in one group chat, we can talk about the same things,” kuwento pa ni Nanay Lilia.

Exciting at enlightening experience naman para kay Adamson student-volunteer Marielle Tuazon ang ginawang pagtuturo sa senior citizen ng teknolohiya, Sinang-ayunan din ito ng kanyang classmate na si Shun Camannong.

Ayon pa kay Tuazon at Cammanong, patience and understanding ang susi upang matuto ang mga senior citizen.

Inaasahan naman ni Nanay Lilia na marami pa siyang matututunan.

Ang smart millenniors program ay bahagi ng effort ng Smart na maging inclusive at accessible ang teknolohiya sa mas mara­ming Filipino.

Nagkaroon din ng Smart Millenniors sa Cebu noong nakaraang buwan kasama ang miyembro ng Philippine Association of Retired Persons, sa pakikipagtulungan ng EduStudio and Coalition for Better Education.

“We are getting closer to our goal of making Internet truly for all, as more seniors participate in the Smart Millenniors program. As the world becomes increasingly digital, we are working to make sure that nobody gets left behind,” ayon pa kay Smart Public Affairs head Ramon Isberto.

Idinagdag naman ni Stephanie Orlino, Smart Community Partnerships senior manager: “With this program, Smart is reiterating its commitment to bring digital learning to everyone, no matter their age.We look forward to partnering with more communities for this initiative.”

Comments are closed.