PAGGAWA NG PANCAKE, PAGHAHANDA NG SANDWHICH AT PAGTITINDA

KIDPRENEUR

PAGGAWA ng sandwhich, pancake at pagtitinda ng mga sari-saring biscuit ang panimula ng simpleng negosyo ng mga kinder 2 sa CMP – Children’s Mission ­Philippines School, Antipolo City.

Bilang panimula ng kanilang munting ne­gosyo, ang kindergarten 2 ay nag-ipon na naging puhunan upang makapagsimula. Sa halagang P500 na puhunan ay nakapagsi­mula sila sa kanilang munting negosyo. Enero 23 nang magsimula sila sa kanilang pagtitinda. Nagtinda sila ng mga biscuit sa lahat ng level mula preschool hanggang Grade 6, bawat grupo ay may isang basket na may lamang paninda sa classroom ng mga estudyante sa oras ng kanilang breaktime, umabot sa P950 ang kanilang pinagbentahan.

KIDPRENEURPangalawa nilang ginawa ay ang magtinda ng sandwhich, na kanilang inihanda, naglagay ng mga palaman at binalot sa tisyu. Naubos ang kanilang paninda agad at kumita sila ng mahigit  isang libong piso (P1,050.00) sa araw na ‘yun. Unti – unti ay nakabili kami ng dagdag na kagamitan para sa iba pang kakailanganin sa naplanong pagluluto.

Nagkaroon ng hamon sa sarili ang mga kinder 2, nag-isip sila ng isang produkto na alam nila, kaya madali nilang natutunan at gayahin. Bilang isang hamon sa guro, nag-iskedyul ng isang araw para sila ay turuan ng pag­halo ng mga sangkap para makagawa ng pancake.

Itinuro sa kanila kung ano ang mga bagay na kakailanganin, ang mga sangkap at paanong pro­seso ang paggawa hanggang sa kailan ito maluluto. Ang mga niluto  noong araw na iyon ay kanilang ibinenta, sa hindi inaasahan ay dinumog ng mga estudyante ang kanilang paninda at madaling naubos, nakapagbenta sila sa halagang P1,450.00 noong araw na ‘yun.

Tuwang –tuwa ang mga kinder 2 sa kanilang ginagawa at lalo na nag-iipon na sila. Sila ay nagrupo sa apat,  bawat grupo ay may nakatakdang araw na sila ang magbabantay ng kanilang paninda sa tuwing breaktime nila.

Simula noon, ang mga estudyante namin sa school ay tinangkilik ang kanilang mga paninda at araw- araw ay binibili ang kanilang pancake at sandwhich na paninda.

KIDPRENEURAng bawat isa ay nagdala ng kanilang alkansiya para sa  pag-iipon sa kanilang kinikita. Halos lahat ay nagsabi na gusto nilang gumawa ng kanilang produkto tulad ng ice cream, ice candy, pancake, tinapay, sapatos, atbp.

Maging ang mga magulang ng mga bata ay tuwang-tuwa dahil sa murang edad ng mga bata ay mutututo sila hindi lang sa paghawak ng pera, kundi maging sa pagtitipid, pagkuwenta at lalo na sa pag-iipon.

Dahil sa kanilang natutunan, ang bawat grupo ay magkakaroon ng pagsasanay sa paggawa ng pancake bilang paghahanda sa kanilang pancake making contest na gagawin na launching ng kidpreneur  sa CMP school.

Napakahalaga na sa murang edad ng mga bata ay maituro sa kanila ang pagpapahalaga na  kumita, mag-ipon at mamuhunan.

Comments are closed.