(Paggiit sa arbitral ruling sa South China Sea) ‘DI KINILALA NG CHINA

Xi and Duterte

IT went very well.

Ito ang tugon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naging bilateral meeting nila ni Chinese President Xi Jinping kamaka­lawa ng gabi sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing, China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagkasundo sina Duterte at Xi  na igalang ang kani-kaniyang posisyon at hindi dapat maging hadlang sa mapayapang pagresolba sa usapin sa South China Sea.

Nagkasundo rin ang dalawang lider na lalo pang pagtibayin ang magandang relasyon ng dalawang bansa sa ibang areas sa kabila ng pagkakaiba ng pani­nindigan sa isyu ng South China Sea.

“Both leaders agreed to work together, on the basis of mutual trust and good faith, to manage the South China Sea issue, and to continue to dialogue peacefully in resolving the conflict. President Duterte and President Xi agreed on the importance of self-restraint and respect for freedom of navigation in – and overflight above – the South China Sea,” sabi pa ni Panelo.

Sa nabanggit na meeting ay iginiit ng Pangulong Duterte ang arbitral ruling ng United Nations na nagbabasura sa pag-angkin ng China sa South China Sea kabilang na ang 200 nautical miles exclusive economic zone ng Filipinas.

“President Duterte was also steadfast in raising with President Xi concerns central to the Philippines’ claim in the West Philippine Sea (WPS), which include the ruling held by the Permanent Court of Arbitration in the Hague. He said that the arbitral award is final, binding and not subject to appeal,” giit pa ni Panelo.

Samantala, sinabi ni  Professor Jay Batongbacal ng UP Maritime Institute na hindi  na dapat  pang  ikagulat ang hindi pagtanggap ng China sa iginiit na arbitral ruling ng Pangulong Duterte sa isyu ng agawan ng teritor­yo sa South China Sea.

Ayon kay Batongbacal,  ang panggigiit ng Pangulo sa arbitral ruling ay upang ipakita lamang na pinapakinggan niya ang opinyon ng publiko na dapat niyang ipaglaban ang napanalunang ruling ng Filipinas sa international arbitral tribunal.

Sinabi ni Batongbacal na ang dapat antabayanan ay kung paano gagamitin ng Pangulo ang arbitral ruling para makakuha ng concession sa China pagdating sa joint development.

“Well, siyempre ang susunod na hakbang niyan dahil nga parang pinakita lang ng Filipinas na hindi siya bumibigay pagda­ting doon sa arbitration decision, so from there mag-move na to discussions sa mga proposal na, kunwari itong mga joint development na ito, titignan natin ngayong papaanong matutuloy yon sa kabila nu’ng pagpipilit pa rin nu’ng dalawang panig nu’ng kanilang mga kondisyon. So, kailangan may mag­hanap ng solusyon,” ani Batongbacal.

Samantala, kumbinsido si Batongbacal na hindi sagot sa problema sa agawan ng teritoryo sa South China Sea ang binubuong code of conduct ng mga bansang mayroong inaangking teritoryo. LEN AGUIRRE-DWIZ882, EVELYN QUIROZ

Comments are closed.