NANAWAGAN ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lokal na pamahalaan at kanilang mga residente na mag-ingat, lalo na sa landslide-prone areas, matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Mindanao noong Miyerkoles.
“Earthquakes can loosen the top layer of soil, causing landslides,” sabi ni DENR’s Mines and Geosciences Bureau (MGB) Director Atty. Wilfredo G. Moncano. “It is more dangerous in high-slope areas, but can still be caused by earthquakes, depending on the intensity.”
Bukod sa mga komunidad sa Mindanao na nasalanta ng lindol at ng mga aftershock, tinukoy rin ng MGB ang 18 lugar sa Filipinas na may mataas na panganib ng landslide na kinabibilangan ng Benguet, Mountain Province, Abra, Nueva Vizcaya, Davao Oriental, Ifugao, Aurora, Apayao, Quirino, Kalinga. Camiguin, Southern Leyte, Sarangani, Siquijor, Quezon, Bukidnon, Romblon, at Negros Oriental.
Karamihan sa mga lugar na ito ay nasa kabundukan.
“This is based on an assessment of a number of factors including altitude and capacity for debris to flow,” paglilinaw ni Moncano.
Anim na katao na ang napaulat na namatay dulot ng lindol sa Mindanao habang 93 naman ang sugatan.
Nagbabala rin ang MGB makaraan ang pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan kung saan 78 na ang nasawi at libo-libo ang nawalan ng tirahan dahil sa baha at pagguho ng lupa.
“The risks of any natural disaster are reduced by preparation and proper dissemination of information,” aniya.
“If Japan, a developed country that is already highly-prepared in times of natural disasters, still suffered severely in the wake of Hagibis, then we must really double our efforts to prepare in case of a similar typhoon,” aniya.
Idinagdag pa niya na nakahandang tumulong ang MGB sa local government units (LGUs) pagdating sa paghahanda para sa mga geohazard tulad ng landslides at mudslides.
Comments are closed.