DINADAKILA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagtanggol at nagsakripisyo ng buhay noong World War 2 kung saan mahigit 17,000 sundalong Pinoy at Amerikano ang nasawi.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na kaisa siya ng sambayanang Pilipino sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Aniya, mula sa mga labanan sa mga kasagsagan ng World War Il hanggang sa mga pakikibaka laban sa mga pwersang nag-aalsa, ang Pilipinas ay humarap sa maraming hamon na sumubok sa pananampalataya ngunit ipinakita sa mundo ang di-matinding diwa ng bawat Pilipino.
“From the battles fought in the trenches of World War Il to the struggles against insurgent forces, the Philippines has faced numerous challenges that tested our faith yet showed the world the indomitable spirit of every Filipino,” bahagi ng mensahe ni Marcos.
Sinabi pa ng Pangulo na tinukoy ang mga tagumpay ng Filipino kaysa sa mga pagsubok, at nakilala ang Pilipinas bilang isang bansang may maipagmamalaki na ginagabayan ng mga prinsipyo ng katarungan, katotohanan, at demokrasya.EVELYN QUIROZ