PAGHAHABOL SA AGRI SMUGGLERS SUPORTADO NG PNP

SUPORTADO ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pinaigting na operasyon ng Bureau of Customs laban sa agricultural smuggling at hoarding sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na buo ang kanilang suporta sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act laban sa mga sangkot na personalidad.

Aniya, handa silang makipagtulungan sa iba pang concerned agencies para masugpo ang economic sabotage sa bansa.

Ayon kay Marbil, ang mga smuggler at hoarder ang siyang sumisira sa mga pinagkakakitaan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Kaya naman inatasan nito ang kanyang mga tauhan na laging handa sakaling kailanganin ang tulong sa pagsugpo sa smuggling at maging sa monitoring.

EUNICE CELARIO