SA kabila ng matinding sikat ng araw ay patuloy ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagsasagawa ng clean up drives upang tuluyang malinis ang Manila Bay Dolomite Beach.
Ayon sa DENR, matapos ang tuloy tuloy na malakas na buhos ng ulan, nagkaroon ng ibat ibang basura na inanod sa nasabing beach kaya naman puspusan ang ginagawang paglilinis upang maisaayos at maging kaaya aya sa publiko ang dolomite beach.
Katuwang ng DENR sa clean up drive ang ilang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga volunteers mula sa mga pribadong sektor at organisasyon.
Ilang tonelada at sako sakong basura rin ang nahakot ng mga naglinis sa beach.
Kamakailan rin ay pinapayagan na ang pagbisita ng publiko sa Dolomite beach.
Gayunman, mahigpit ang pagpapatupad ng mga health guidelines at protocols upang makaiwas pa rin sa pagkalat ng COVID-19 habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang alagang hayop at paliligo sa dagat ng beach. PAUL ROLDAN