PAGHAHANAP NG TOCILIZUMAB VS COVID-19 HAMON SA DOH

AMINADO  si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatiling hamon sa DOH ang paghahanap ng suplay ng Tocilizumab, na ginagamit sa paglunas ng COVID-19 patients.

“It is really a challenge para sa atin itong gamot na ‘to, Tocilizumab, because there is a local shortage and dito sa atin wala rin tayong ganitong supply,” pahayag pa ni Vergeire, sa panayam sa radyo at telebisyon kahapon.

Tiniyak naman ni Vergeire na sa ngayon ay patuloy silang nakikipagnegosasyon sa mga manufacturer ng Tocilizumab sa labas ng bansa para makakuha ng suplay nito.

Ayon pa kay Vergeire, habang naghihintay pa naman ng development sa naturang negosasyon, maaari naman munang gamitin na panlunas ng mga pasyente ng COVID-19 ang iba pang investigational medicines laban sa COVID-19, gaya ng Remdisivir at Baricitinib.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inaasahan nilang may darating na 10,000 vials na Tocilizumab sa bansa sa katapusan ng Setyembre.

Inamin rin naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi nila ma-replenish ang stock ng Tocilizumab dahil sa kakulangan nito ng global supply. Ana Rosario Hernandez

Comments are closed.