PAGHAHANDA!

edwin eusebio

Sunod-sunod na Kalamidad ang Dinanas ng Bansa.

Bagyo…Lindol at Baha!

Mga kababayan natin lahat ay Nabigla…

May mga nasawi…Namatayan at Naulila.

 

Kalagitnaan ng taon, Buwan ng Hunyo

Nagsimula na ang tag-ulan…Mga Bagyong  dala ay Delubyo

Unang Hinagupit ang Mindanao na nasa Malayo

Libo-libong Pamilya ang inilikas, iniligtas sa Peligro.

 

Mabuti na lamang laging Alisto at maagap,

NDRRMC tumutugon at silang sa kalamidad humaharap,

National Disaster Risk Reduction Management Council

Mga tauhan sa buong bansa ay nakakalat-nagliligtas.

 

Batid na ng lahat ang Panganib ng kalamidad,

Higit sa bansa natin na Ruta ng bagyong walang Patawad

Naninira ng mga Tahanan, Mga Pananim winawasak…

Kaya nga dapat lamang na tumalima kapag babala ay Inihayag.

 

Bakit nga ba tanong ng nakararami

Ang mga Kalamidad ngayon ay malupit at tumitindi.

Sagot ay tayo rin ang makapagsasabi…

Umabuso ang tao sa Kalikasan patuloy na nang-aapi.

 

Walang pakundangang mga Pagmimina…

Hukay nang hukay…maging kabundukan, Pinapatag pa.

Mga kagubatan ay hinahawan na walang patumangga

Inuubos ang mga Puno ang Balanse ng hangin ay nawawala.

 

Nagpaparamdam ang Diyos ng Kalikasan

Binabalewa natin kahit siya ay nasasaktan

Katwiran ay Minahin ang likas na Yaman

Kahit pa abusuhin at hindi iniisip ang kinabukasan.

 

Kaya nga marapat lamang na Mamagitan na ang Pamahalaan

Mga Minero ay palaging bantayan at Mamatyagan

Magtakda ng Wastong Regulasyon na dapat susundan

Kung paanong miminahin ang kaloob na Likas na Yaman.

 

Maghanda rin tuwina ang mga lokal na Pamahalaan

Alamin ang mga mapanganib na lugar sa kanilang nasasakupan

Patuloy na Matyagan kanilang mga mamamayan

Sa mga mapanganib na lugar ang mga ito ay Pagbawalan.

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.