Pinuri ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagdating ng Bagyong Pepito.
Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Quimbo na nag-ikot siya sa paaralan at evacuation center na inihanda ng lokal na pamahalaan para tingnan ang kahandaan nito.
”Sa mga lilikas sa evacuation centers, na-check na po natin ang mga schools, napakalinis po,” wika ni Quimbo.
”Sana po, kung paano po natin nadatnan ang evacuation centers sa ating pagdating, sana po ganun din kalinis sa ating pag-uwi,” dagdag pa niya.
Nag-ikot din si Quimbo sa mga barangay ng Malanday, Tumana at Nangka para tingnan ang kalagayan ng mga residente.
Samantala, magpapagawa si Quimbo ng tatlong dam para masolusyunan ang baha sa siyudad.