PAGHAHANDA NG MERALCO PARA SA GAGANAPING 2023 BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Nagsagawa ang Meralco ng inspeksyon sa halos 3,000 polling at canvassing centers, kabilang ang mga public school at barangay hall, na nasasakupan ng franchise area.

 

Bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa Pilipinas, batid ng Manila Electric Company (Meralco) ang mahalagang papel na ­ginagampanan nito sa pagsiguro na mayroong sapat at maaasahang serbisyo ng kuryente para sa 7.8 milyong customer ng kumpanya.

Kaya sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ika-30 ng Oktubre, inilahad ng Meralco ang kahandaan nito na magbigay ng kaparehong kalidad ng serbisyo sa halalan.

Masusing Paghahanda
Marso pa lamang ng taong ito, sinimulan na ng Meralco ang pakikipagtulu­ngan sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang organisasyon bilang paghahanda para sa papara­ting na botohan.

Gaya ng mga nakaraang eleksyon, bahagi ang Me­ralco ng Energy Task Force Election na pinangungunahan ng Department of Energy (DOE). Layunin ng naturang task force ang magtulungan upang masi­guro na sapat ang suplay at na hindi maaantala ang serbisyo ng kuryente bago, habang, at pagtapos ng eleksyon. Kabilang din sa miyembro ng grupo ang National Electrification Administration, National Power Corporation, National Transmission Corporation, Philippine National Oil Company, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, Philippine Electricity Market Corporation, at ang National Grid Corporation of the Philippines ay bahagi rin nito.

Nakaantabay 24/7 ang mga crew ng Meralco para sa ­Barangay and Sanggunaiang Kabataan ­Elections. ­Mahigit 300 generator sets at 800 flood lights ang naka-standby sakaling magkaroon ng mga power interruption.

“Patuloy ang pakikipag­tulungan ng Meralco sa mga ahensya ng pamahalaan at miyembro ng pribadong serktor upang masiguro ang pagkakaroon ng maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections,” pahayag ni Meralco Spokesperson and Vice President for Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. “Kaisa kami ng pamahalaan sa pagkakaroon ng matagumpay at payapang pagsasagawa ng eleksyon.”

Bunsod ng maagang paghahanda ng Meralco, higit pa sa sapat ang nati­tira nitong oras na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng inspeksyon upang tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga mahahalagang pasi­lidad ng kumpanya para sa paparating na eleksyon.

Ilang linggo bago ang eleksyon, natapos na ng Me­ralco ang inspeksyon ng halos 3,000 polling at canvas­sing centers kabilang ang mga pampublikong paaralan, mga barangay hall, at ilang mga shopping mall na sakop ng prangkisa ng kumpanya. Inayos na rin ng Meralco ang mga pasilidad na natukoy na may problema upang masi­guro na nasa maayos na kondisyon ang mga ito sa mismong araw ng botohan.

Kabilang din sa paghahandang ginagawa ng Me­ralco ang pagsasagawa ng maintenance activities sa mga pasilidad na direktang nakakonekta sa mga polling at canvassing center para masigurong hindi maaantala ang serbisyo ng kuryente sa araw ng eleksyon. Dagdag pa rito, nagtabas din ang Meralco ng mga puno na dumidikit na sa mga linya ng kuryente at iba pang pasilidad.

Nakahanda rin ang mahigit sa 300 na generator set at halos 800 na flood light na maaaring gamitin sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente.

Todo alerto sa araw ng eleksyon
Ipinahayag ng Meralco sa publiko na todo alerto ito sa araw ng eleksyon at handang tumugon sa anumang problemang maaaring mangyari.

Tuluy-tuloy ang isinasagawang maintenance activities para sa mga pasilidad na ­nagsusuplay ng kuryente sa mga polling at cavassing center. Tiniyak ng Meralco na maayos ang ­kondisyon mula sa mga sub-transmission facility hanggang sa mga ­metering facility para masigurong maayos ang operasyon sa araw ng eleksyon.

“Handang rumesponde 24/7 ang Meralco sa anumang problemang may kinalaman sa aming pasilidad hanggang sa pagtatapos ng proseso ng eleksyon. Nakaantabay ang aming mga crew sa iba’t ibang strategic location sa aming franchise area,” ani Mr. Zaldarriaga.

Upang mas masigurong walang mangyayaring aber­ya sa serbisyo ng kuryente sa araw ng eleksyon, nagbigay ng paalala ang Meralco sa mga taong magbabantay sa mga polling at canvassing center na iwasan ang octopus wiring at ang pagdadala ng mga kagamitang de-kuryente na maaaring magresulta sa overloading.

Nauna nang natukoy ang mga pasilidad na kailangang ayusin o i-upgrade para matiyak ang kondisyon nito sa paparating na botohan.

Pinaalalahanan din ng Meralco ang publiko na huwag gumamit ng mga lobo, paputok, saranggola, confetti, at mga party popper mala­pit sa mga linya at pasilidad ng kuryente upang hindi magsanhi ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente.

Maaaring mag-report ang publiko ng mga isyu sa serbisyo ng kuryente na kanilang mararanasan sa araw ng eleksyon sa pamamagitan ng pagtawag sa 24/7 custo­mer hotline na 16211 o magpadala ng mensahe sa mga official social media account ng Meralco sa Facebook at sa X (dating Twitter).