FAKE news ang sigaw ng Philippine National Police (PNP) sa umugong na mayroong suhestiyon na paghandaan ang umano’y world war 3.
Nag-ugat ang usapin nang mag-circulate ang isang memorandum na umano’y mula sa Office of the Chief Directorial Staff sa PNP na Letter Reply hinggil sa Proposed Measures to Strengthen the Internal and External Defense bilang paghahanda sa umano’y giyera.
Sa nasabing Memo, nakasaad na may rounding slip mula sa Office of the PNP Chief at barcode pa at tracking number pa.
Nakasaad pa umano sa memo ang pagtugon sa liham mula sa isang Secretary Mamodiong na nagpapanukala na palakasin ang depensa.
Gayunpaman, sa viber message ni PNP Public Information Office Chief BGen. Redrico Maranan, ang nasabing memo ay walang lagda, wala ring control number at wala rin inilalabas na memo ang OTCDS.
“By the looks alone, mukhang hindi official, walang pirma eh. Walang ganyan document from OTCDS,” ayon kay Maranan.
EUNICE CELARIO