PASAY CITY – NASA 578,000 overseas Filipino workers (OFWs) na deactivated sa Commission on Elections (COMELEC) ang tinatawagan ng poll body na i-update o magparehistro na.
Sa anunsiyo ng Comelec, magsisimula ang registration para sa overseas voting sa Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021.
Kabilang naman sa dapat magparehistro ay ang mga immigrant, seafarer at mga estudyanteng mag-aabroad.
Sa kanilang pahayag, magtungo lamang dapat ang mga OFW sa Philippine Embassy, Consulate General, Mission o Manila Economic at Cultural Office (MECO) at ilang Overseas Voter Registration Centers ng Comelec.
Ang maagang anunsiyo ng Comelec ay bahagi na rin ng kanilang paghahanda para sa 2022 national elections. EUNICE C.
Comments are closed.