(Paghahanda sa F2F classes) MGA GURO SASALANG SA RESKILLING AT UPSKILLING

BUKOD sa dagdag tauhan para mabawasan ang workload ng mga guro ay sasalang din ang mga ito sa “RESKILLING at UPSKILLING” bilang handa sa pagtuturo.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michel Poa, babawasan din umano ng kagawaran ang administrative work ng mga guro bilang tugon sa daing na kulang pa sila sa pahinga para sumabak sa Augusto 22.

Aniya, batid ng ahensiya na loaded o overworked ang mga guro kaya pilit nila itong hinahanapan ng solusyon.

Sinabi ni Poa, iniutos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkuha ng dagdag na mga tauhan partikular umano sa non-teaching personnel para gumawa ng administrative works.

Dinagdag pa nito, mas makakapag-focus ang mga guro sa pagtuturo.

Kung kaya’t magsasagawa ang Department of Education ng “reskilling at upskilling” program para sa mga guro upang maging handa sa SY 2022-2023. ELMA MORALES